Abante Tonite Interactive

Kaning tutong binibenta sa New York

348

Nag-viral sa Facebook ang post ng isang lalaki tungkol sa kaning tutong na binibenta sa isang grocery store sa New York.

Sa post ng netizen na si Rich Ajibola, makikita ang selyadong pagkakabalot sa plastic ng kaning tutong na binibenta sa halagang $7.58 o halos P400.

Alas-otso Sabado nang gabi ay mayroon na itong 102 comment at 92,000 share mula nang i-post noong Pebrero 5 dahil naaliw ang mga Pinoy netizen

“Tacla Linatoc pwede na natin gawin business ung favorite mo. Hahaha,” sabi ni Sceiy Barairo Monica.

“Roby Ruivivar eww no way hahahahahha,” ayon naman kay Jazmine Camille Reyes.

“This is what you eat when you’re the last to arrive home,” komento ni Noeh Miah.

Isa pang netizen ang nag-post ng komento at sinabing meryenda ng mga Koreano ang kaning tutong.

“Snack yan ng korean ngwork ako s afactory nyan at mahal tlga sya at mahirap gawin may halo yang malagkit saka nd lng yan basta basta niluluto dahil mahirap yan lutuin nd basta basta hahahha kaya wga nyong tatawanan maganda yang sbaaw nya sa may hang over at sa kamgi men hahahaha mga inosente nd porket tutong walang value hahaha mgnda yan s akatawan hahahhaha,” anang netizen na may pangalang Haruka Ritsu. (Issa Santiago)