Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kano 27 taon kulong sa pagmanyak ng batang Pinay

0 148

Dalawampu’t pitong taong pagkakulong ang hinatol sa isang Amerikano na nambibiktima ng mahihirap na ina sa Pilipinas para padalhan siya ng larawan ng mga hubad na bata.

Batay sa cleveland.com report, sinabing nag-plead ng guilty sa child pornography noong Marso si Charles Lee Frazier, 42, taga-Sidney, Ohio sa United States.

Sinentensiyahan siyang makulong ng 27 taon noong Nobyembre 5 sa Southern District of Ohio.

Naging daan daw ni Frazier para makakilala ng mahihirap na ina ang mga Filipino dating site.

Matapos nito, makikipag-ugnayan siya sa mga babae sa pamamagitan ng Skype, kung saan na niya aalukin ng $800 o halos P40,000 kapalit ng larawan ng hubad na bata.

Nagpapadala pa raw si Frazier ng mga child pornography image sa mga ito para siyang gayahin ng mga bata.

Mula Abril hanggang Hulyo 2019 umano nakabili si Frazier ng child pornography sa bansa. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.