Abante Tonite Interactive

Kano na wanted sa US nakorner sa Cebu

406

Isang Kano na wanted ng United States Federal Bureau ang hinuli ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa pang-aabusong sekswal sa isang bata sa Mississippi, mahigit anim na taon na ang nakakalipas.

Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang 33-anyos na si Charles Roy Atkinson na ide-deport matapos madakip noong Abril 27 sa Talisay City, Cebu ng operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng BI.

Sinabi ni Morente na hiniling ng embahada ng US ang tulong ng BI sa paghahanap at pagdakip kay Atkinson.

“His presence here poses a risk to children, anyone of whom could be his next victim. We were informed by American authorities that his passport has already been cancelled,” ani Morente.

Si Atkinson ay nagtago sa Pilipinas mula nang dumating ito noong Jan. 22, 2013, isang araw bago maglabas ng warrant ang korte ng Mississippi. (Mina Aquino)