Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kano nagwala, binuyangyang ari sa NAIA

0 256

Swak sa kulungan ang isang 75-anyos na Amerikano matapos magwala at magpakita ng kanyang ari sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa ulat, tatlong linggong na-stranded sa NAIA si Maurice Francis O’Connor nang hindi makasakay sa kanyang flight papuntang Thailand matapos umanong ma-scam.

Inaresto siya dahil sa pagwawala at hindi pagsusuot ng face mask at face shield sa airport noong Pebrero 3.

Panay din umano ang baba niya ng kanyang shorts upang ipakita ang kanyang ari.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Maliban doon ay sinira rin umano ni O’Connor ang COVID-19 information board ng airport at arrival extension area.

Kinasuhan din si O’Connor ng isang tauhan ng airport matapos niyang buhusan ng tubig sa mukha. Nagnakaw din daw si O’Connor ng dalawang bote ng soda at pagkain sa airport personnel.

Samantala, naipaalam na ng NAIA Public Affairs Office sa US Embassy ang mga ginawa ni O’Connor. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.