Abante Tonite Interactive

Kanselasyon ng booking sa Grab gagawing krimen

By
1,519

Kinokonsidera ng mga mambabatas ang panukala na ituring na kri­men ang pagkansela ng driver ng transport network company (TNC) gaya ng Grab Philippines, sa booking ng pasahero.

Inihayag ni Sama­r Rep. Edgar Mary Sar­miento, vice chairman ng House committee on transportation na isasa­lang sa deliberasyon ng komite ang ilang panukala na magrerenda sa mga pasaway na transport network vehicle service (TNVS) sa muling pagbubukas ng sesyon sa Mayo 15, ngayong taon.

“We are considering that (making the act of refusing to transport the passengers). At the end of the day, this will help instill discipline,” paha­yag ni Sarmiento.

Binigyang-diin ng kongresista na ki­nakailangang itaguyod ang karapatan ng mga commuter at mabigyang linaw ang mga responsibilidad ng TNVS driver pati na ang mga tsuper ng taksi at operator.

“Rest assured that we are going to work on this to protect the ridin­g public,” ayon pa kay Sar­miento.

Sinuportahan nama­n ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu ang gustong mangyari ni Sarmiento.

Nananawagan din si Abu sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na protektahan ang publiko laban sa mga abusadong drayber ng TNVS at taxi.