Abante Tonite Interactive

Kanselasyon ng VFA kukuwestiyunin sa SC

362

Nakatakdang kuwestiyunin ng ilang senador sa Supreme Court sa susunod na linggo ang pagpapawalang bisa ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa Estados Unidos dahil sa kawalan ng susog ng Senado.

Ayon kay Senate Presidente Vicente ‘Tito’ Sotto III, plano nilang maghain ng petition for mandamus at petition for certiorari.

“The forthcoming (petitions), if ever, will depend on who else will join. At the moment, I, Frank, Dick, and Ping are interested,” pahayag ni Sotto sa kanyang text message sa mga reporter, patungkol Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senators Richard Gordon at Panfilo Lacson.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Sotto na dapat may ‘concurrence’ ng Senado ang anumang withdrawal ng treat o agreement sa ibang bansa dahil ito aniya ang nakasaad sa Konstitusyon.

“Ang dating sa amin ngayon nito after the studies that I will probably review later eh magpa-file kami ng panibagong petition na concerning VFA kung ano ang basa ng Supreme Court dito sa abrogation na ito,” pahayag ni Sotto sa panayam sa DZMM.

“Kung ito ay kailangan ng concurrence ng Senado o hindi once and for all. Pero sa amin, sa pag-aaral namin sa rules namin lumalabas na kailangang mayroon concurrence namin,” dagdag pa nito. (Dindo Matining/ Eralyn Prado)