Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kanta ni Julie Vega bubuhayin

0 386

Idineklara ng premyadong komposer na si Mon del Rosario na iri-revive ang awiting ‘Somewhere in My Past’ ngayong 2021. Pinasikat ito ng yumaong teen superstar na si Julie Vega. Naging mega hit ang naturang kanta noong Dekada 80.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon kay Mon, marami na ang nagpadala sa kanya ng kani- kanilang song demo pero hanggang ngayon hinahanap pa rin n’ya ang tunog at timbre ng boses na babagay sa kanta. Kailangan daw kasi na may distinct sound ang singer para sa kakanta ng remake nito.

Siguradong masuwerte ang mapipili na kakanta ng song na ito ni Julie Vega. Kahit naririnig pa rin ito hanggang ngayon ay mas maganda pa rin na may bagong version. Pero sino kaya ang mapipili?. Baguhang singer kaya o beterano na? (Rodel Fernando)

Leave A Reply

Your email address will not be published.