Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kanta sa 2022 Asian Games hinahanap

0 284

INILUNSAD ang kompetisyon para sa gagamiting musical theme sa pagsasagawa ng Hangzhou 2022 Asian Games.

Inihayag ng organizer ng Hangzhou 2022 Asian Games (HAGOC) ang worldwide competition para mapili nito ang mga angkop na “musical theme” para sa kada apat na taong event.

Ang unang yugto ng kompetisyon ay para mahanap ang original music composition na inilunsad sa host city at mananatili hanggang Nobyembre 30, 2020.

Ang Asian Games ay nakatakda naman magsimula sa Setyembre 10, 2022.

“To host a successful Asian Games, we need a collection of outstanding musical works,” sabi ni HAGOC deputy secretary Chen Weiqiang, na siya din vice-mayor ng Hangzhou. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.