Abante Tonite Interactive

Kanter lumebel kina Walton, Aldridge

242

Umiskor si Damian Lillard ng 30 points at binuksan ng No. 3 Portland Trail Blazers ang 73rd NBA first round ng East playoffs sa bisa ng 104-99 panalo sa No. 6 Oklahoma City Thunder Linggo ng gabi.

Makalipas ang walong sunod na talo sa playoffs, nakaisa rin ang Blazers.
“We know how it feels to win again,” ani Lillard. “Now we can just kind of move on from that and stay focused on this series.”

Magkasunod nawalis sa postseason ang Portland sa Golden State at New Orleans.

Gabi rin ni Enes Kanter, tumapos ng 20 points at career playoff-high 18 rebounds. Si Kanter ang pangatlong player sa kasaysayan ng Blazers na may 20-18 sa isang playoff game. Tatlong beses itong ginawa ni Bill Walton, isa kay LaMarcus Aldridge.

Umayuda si CJ McCollum ng 24 points.

Nagsumite si Russell Westbrook ng 24 points, 10 assists at 10 rebounds, pang-siyam na career postseason triple-double niya. Nag-ambag si Paul George ng 26 points at 10 rebounds sa Thunder.

Game-time decision pa si George dahil sa nananakit na balikat.
Napilipit ang kanang paa ni Westbrook sa final quarter pero tinapos ang laro.

Naghabol ng hanggang 19 sa first half ang Oklahoma City pero nanindak 93-92 sa 3-pointer ni George 2:44 pa. Sumagot ng long 3 si Lillard, tatlong free throws ang ipinasok ni Al-Farouq Aminu tungo sa 98-92.

Nagsalpak pa ng 3 si George 8.2 seconds na lang para ilapit sa 100-97, pero kumapit na ang Blazers.

Game 2 Martes ng gabi sa Moda Center pa rin. (VE)