Abante Tonite Interactive

Kanter, Matthews isinuka ng Knicks

By
0 153

Niligwak ng New York Knicks sina Enes Kanter at Wesley Matthews, at dahil nai-waive na ang dalawa ay puwede silang pumirma sa ibang teams na manga­ngailangan ng kanilang kalibre.

Natapos ang trade deadline na hindi nakahanap ang Knicks ng team na sasalo kay Kan­ter, ang dati nilang star­ting center na nawala sa rotation.

Nakuha dati ang Turkish big man mula Oklahoma City sa Carmelo Anthony trade noong Sept. 2017 at nag-average ng 14 points, 10.8 rebounds sa 115 games. Dismayado siya nang mawala sa star­ting lineup, lalo na nang mabura din sa rotation.

Dumating ng New York si Matthews mula Dallas sa Kristaps Por­zingis deal at nakadalawang laro. Naga-average ang veteran swingman ng 12.8 points ngayong season.

Bago ang March 1 ay kailangang mai-waive ang players na nasa NBA roster para eligible silang pumirma sa ibang teams at maglaro sa postseason.