Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kanter nabingwit apo ni Rockefeller

0 142

Inlababo!

Bukod sa pagba-basketball, may iba ring tinatrabaho at lumitaw ang pagiging matinik sa eba ni NBA center Enes Kanter nang mapabalitang lumalabas ito kasama si Ariana Rockfeller, apo ni oil mogul John D. Rockefeller.

Ang 28-anyos na Portland Trailblazer star, ayon na rin sa ulat, ay matagal nang nakikipag-date sa fashion designer. ‘Open secret’ na rin ito sa publiko at kalat sa social media.

Nabatid rin na nitong nakaraang NBA off-season ay madalas mag-eyeball at bumiyahe ang dalawa pa-New York.

Pareho namang may pinaglalaban ang dalawa dahil mismong si Ariana ay vegetarian din at sinisigaw ang animal rights advocacy.

Bagaman lantad na sa publiko ang sinasabing pagsasama ng dalawa ay wala pang kumpirmasyon ang totoong namamagitan o status nila. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.