Abante Tonite Interactive

Kanya-kanyang diskarte sa pagmamanok

371

Magandang araw mga klasmeyt, gusto ko lang po sabihin na may kanya-kanya tayong pananaw sa pagsasa­bong, pagkukundisyon, pag-aalaga ng manok at pagpili ng manok.

Kaya kung ano ang mabasa niyo sa Dalusapi ay sariling pananaw at bukod sa karanasan ko sa pagmamanok ay base sa mga nakakausap ko ring bigtime breeders ang mga sini-share ko sa inyo.

Kaya kung ang mga sinusulat ko ay iba sa istilo mo ng pagkukundis­yon ay ok lang po kasi kanya-kanyang diskarte po yan mga klasmeyt.

Sa pagpili ng manok meron gusto showtime na manok, ang iba ang gusto naman ay mga Salto, Salto lang, o pitik tapos ilag, cut tapos hinto.

Uulitin ko po sa pagkukundisyon, kayo po ang nakakaalam kung paano niyo ihanda ang manok niyo kasi alaga niyo yan, sigurado naman na may mga kaalalaman at ina-upgrade mo na lang.

Para sa mga baguhan, magsaliksik po kayo sa internet para magkakaroon kayo ng guide.

Mga kasabong, mas lalawak ang matututu­nan mo sa pagmamanok kung magtatanong ka, makikipagkaibigan sa kapwa mo sabungero at ‘di ka sumasalungat o kumokontra, mga bigtime breeder nga eh nagtatanong pa rin at walang tigil sa pag-aaral.

Dapat walang angas sa katawan at huwag feeling magaling.
Mga klasmeyt next week meron kayong feature sabong story na mababasa kaya aba­ngan niyo.

***

Malapit na Fiestag 2019, mga kasabong, may budget na ba para sa bibilhin niyong manok? Sa August 23-25 sa SMX Convention Center, Mall of Asia sa Pasay City ang event kita-kits po tayo roon.