Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kanye West tatakbong Presidente

0 686

Nagdeklara si American rapper Kanye West na tatakbo siyang pangulo ng Amerika sa 2020,. Lalaban daw siya sa kaibigan niyang si US President Donald Trump.

Ayon sa tweet ni West nu’ng Sabado sa US:

“We must now realize the promise of America by trusting God, unifying our vision and building our future. I am running for president of the United States! #2020VISION”

Related Posts

Hindi pa tiyak kung seryoso ang 43-anyos sa pahayag na nilabas niya. May 122 araw pa bago ang November 3 election.

May nagdududa rin na baka ginagamit lang umano ito sa publicity ng kanyang upcoming album na “God’s Country.”

Samantala, tumugon naman kay Kanye ang SpaceX CEO na si Elon Musk:

“You have my full support!” (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.