Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapa-Apolinario kumasa sa PNP, 2 todas

0 320

Naaresto na ng pulisya si Kapa Community Ministry International Founder Joel Apolinario matapos ang naganap na madugong shootout na ikinasawi ng pinaniniwalaang dalawang bodyguard nito habang isa pa ang nasugatan sa isang resort sa bayan ng Lingig, Surigao del Sur kahapon.

Bitbit ang dalawang search warrant, at arrest warrant sa kasong syndicated estafa na ipinalabas ni Cagayan De Oro 10th Judicial Region, Regional Trial Court Branch 21 Hon. Judge Gil Bollozos, nilusob ng operating team ang isang isolated resort sa Sitio Dahican, Brgy. Handamayan alas-7:30 ng umaga.

Nagkaroon ng palitan ng putok ang pulisya at mga tauhan ni Apolinario. Nahuli ito kasama ang 23 iba pa, dalawang tauhan ang nasawi habang sugatan ang isa na kinilalang si Melecio Siano na agad dinala sa Bislig City District Hospital.

Nakuha ng pulisya sa lugar ng 30 unit ng M16 riffle, 2 unit ng M4 rifle, 1 unit Garand rifle; 3 unit 60 caliber machine gun; 1 unit 50 caliber sniper rifle; 3 unit caliber 22 rifle; 1 unit carbine; 1 unit shotgun; 2 unit RPG; 5 units caliber 45 pistol; at sari-saring mga bala ng nasabing kalibre ng mga baril.

Matatandaan na sangkot si Apolinario sa investment scam sa mga miyembro ng kanyang religious group dahil sa iligal na pyramiding scheme nito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.