Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapa founder Apolinario dinampot sa Surigao del Sur

0 284

Inaresto nitong Martes ng umaga ang founder ng Kapa Ministries na si Joel A. Apolinario.

Ayon sa report, ikinasa ang operasyon bandang alas-siyete ng umaga sa isang resort sa Sitio Dahican, Barangay Handamayan sa Lingig, Surigao del Sur.

Nanlaban daw ang mga bata ni Apolinario sa mga pulis kaya dalawa sa mga ito ang napatay.

Maliban sa pagkakadakip kay Apolinario, nasamsam din ng mga awtoridad ang imbak na mga matataas na kalibre ng baril. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.