Abante Tonite Interactive

Kapa scam hahalukayin ni Gatchalian

426

Isusulong ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagsisiyasat sa sinasabing investment scam na kinasasangkutan ng Kapa Community Ministry International.

Sinabi ni Gatchalian, chairperson ng Senate committee on economic affairs, magpapatawag siya ng pagdinig kasama ang mga opis­yal ng Securities and Exchange Commission (SEC) upang pag-usapan ang Kapa investment scam at ang mga posibleng pag-amyenda sa kasalukuyang mga batas.

Kasabay nito, nanindigan si Gatchalian na kailangang isama sa high school curriculum ang financial literacy.

Ito ay sa gitna ng isyu sa Kapa sa Davao na sinasabing nakakulimbat ng P50 bilyon.

Sinabi ni Gatchalian na patuloy ang mga investment scam sa mga liblib na lugar dahil sa illi­teracy at kakulangan ng impormasyon sa kahina-hinalang investment scheme.

“Pwede nating umpisang pag-usapan ‘to sa high school dahil karamihan sa mga high school especially sa ating system magtatrabaho na ‘yan. Mahalagang mapag-usapan na ‘to sa senior high school especially sa mga provinces,” saad ni Gatchalian. (Dang Samson-Garcia)