Abante Tonite Interactive

Kapag naka-100 SMB, talo kami — Victolero

298

Napigil ng Magnolia Pambansang Manok si June Mar Fajardo sa Game 2 ng PBA Philippine Cup Finals, pero nakaligtaan ng Hotshots ang iba pang gunners ng San Miguel Beer.

Ang resulta, 108-101 panalo ng Beermen na nagtabla sa series sa 1-1.

Balik sa drawing boards ang magkatunggali kahapon, muling papagitna para mag-una-han sa trangko sa Game 3 mamaya sa Smart Araneta Coliseum din.

Miyerkoles ng gabi, nalimitahan si Fajardo sa 16 points mula 5 of 7 shooting at 6 of 11 sa free throw line sa loob ng kulang 34 minutes, may 14 rebounds, 4 assists at 2 steals kontra 2 turnovers.

Pero anim na bataan pa ni coach Leo Austria ang umiskor ng 13 pataas, magandang responde kay Fajardo. Sa kabuuan, 35 of 82 sa field ang Beer, 26 of 36 mula sa stripe.

“They controlled the tempo,” bulalas ni Hotshots coach Chito Victolero pagkatapos. “Like I’ve said, once they reach a hundred points, we have a slim chance of defeating them.”

Sa 6:47 mark ng fourth quarter, dumistansiya ang SMB 96-78 sa step-back 3 ni Terrence Romeo. Makalipas ang 24 seconds lang, thrown out ang three-time sco-ring champion sa magkasunod na technicals. (Vladi Eduarte)