Abante Tonite Interactive

Kapalaran ng 11K ABS-CBN worker nakasalalay sa SC

0 406

Dahil nalalapit nang mag-adjourn sine die ang Kongreso, anim na araw mula ngayon, nakasalalay umano sa Supreme Court (SC) ang kapalaran ng 11,000 empleyado ng ABS-CBN na maaaring mawalan ng trabaho, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.

“Ang pwedeng remedyo na lang ay `yung kaso sa Korte Suprema. `Yung hinihinging TRO ng ABS-CBN,” pahayag ni Drilon sa panayam sa radyo.

Nauna nang hiniling ng ABS-CBN na mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) ang SC laban sa cease and desist order sa kanila ng National Telecommunications Commission (NTC).

Gayunman, hindi tinugon ng SC ang petisyon ng network para sa TRO sa halip ay binigyan ng 10 araw ang NTC para sumagot at limang araw naman sa ABS-CBN.

Ayon kay Drilon, bagama’t patuloy na may suweldo ang mga kawani ng ABS-CBN para sa tatlong buwan kasunod nang pagsasara, ang ilan naman sa kanila ay maaaring mawalan ng trabaho pagsapit ng Agosto kung hindi mabibigyan ng provisional franchise ang network.

“Nobody will be harmed if ABS-CBN is granted a provisional franchise. Walang masasagasaan, walang masasaktan. Ang masasagasaan `yung 11,000 employees ng ABS-CBN kung walang provisional franchise,” ani Drilon.

Kaya’t hiniling niya sa Kamara na agad na ipasa ang franchise bill ng ABS-CBN.

“The ball is with the House of Representatives insofar as the ABS-CBN franchise is concerned. If they do not send us anything, then we cannot debate, consider and pass it,” ayon kay Drilon.

Nilinaw ni Drilon na hindi maipapasa ng Senado ang franchise bill para sa ABS-CBN kung hindi pa aprubado ang bersyon nito sa Kamara. Nakasaad aniya ito sa Konstitusyon.

“This is a private bill and, therefore, it must originate from the House of Representatives,” paliwanag ng senador.

Dahil nagbago aniya ang ihip ng hangin sa Kamara, kung saan nagdesisyon ang liderato ng kapulungan na talakayin na lang ang franchise bill ng network sa halip na bigyan ng provisional franchise, nangangamba si Drilon na mananatili pa ring off the air ang ABS-CBN ng ilang buwan.

“The reality is, when we adjourn on June 3 and come back on July 27, ABS-CBN cannot go back on the air, because the franchise has not been renewed by Congress,” ayon kay Drilon.

“It is not a problem with us. The problem lies with the House of Representatives,” sabi pa nito. (Dindo Matining/Nancy Carvajal)

Tonite – Wendys Inhouse Ad