Abante Tonite Interactive

Kapalaran ni Morente nakabitin

322

Nakabitin pa ang magiging kapalaran ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente kung sisibakin ito o mananatili sa puwesto matapos mabunyag ang ‘pastillas scheme’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa ambush interview kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang, sinabi nitong hihintayin muna nito ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Kongreso.

Magkakaroon aniya ng pagkakataon si Morente na ibigay ang kanyang paliwanag hinggil sa nabanggit na kontrobersiya.

“I think there’s going to be an investigation with Congress. I defer to Congress first before I make any decision. Para walang masabi na ano. Kung ano man, sabihin niya nandiyan siya, tells his story from where he stands,” anang Pangulo.

Pero mayroon din aniyang ginagawang pagsisiyasat ang Department of Justice (DOJ) kaya kung sino man ang mauna ay malalaman nito kung ano ang nangyari at hindi dapat na nangyari sa raket ng ilang tiwaling opis­yal ng BI. (Aileen Taliping/Prince Golez)