Abante Tonite Interactive

Kapalaran ni Sinas nakasalalay sa IAS

0 319

Hinihintay ng Malacañang ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) kaugnay sa paglabag ni PNP-NCRPO Chief Debold Sinas sa ipinatutupad na enhanced community quarantine.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kapag natanggap na ng Office of the President ang resulta ng imbestigasyon at rekomendasyon ay magpapasya ang Palasyo kung sasampahan o hindi ng kasong administratibo ang Police General.

“Palasyo po ang magdedesisyon kung tuloy ang administrative case at kung matutuloy po yan, iyan din ang magde-determine kung masisibak o hindi si General Sinas,” ani Rpque.

Nauna rito, inihayag ni PNP Chief Archie Gamboa na mahirap palitan sa ngayon si General Sinas sa mga ipinatutupad na programa ng PNP na may kinalaman sa COVID-19.

Sinabi ni Roque na hindi muna sila magkokomento sa naging pahayag ng PNP Chief dahil hihintayin muna nila ang magiging resulta ng aksiyon ng IAS.

“I would rather not comment on that para walang pre-judgement on the part of the Palace,” dagdag ni Roque.

Si Sinas ay sinasabing lumabag sa social distancing , mass gathering at curfew na ipinaiiral sa ilalim ng ECQ matapos siyang bigyan ng asalto na ” mañanita” ng kanyang mga kasamahang opisyal kaugnay sa kanyang kaarawan noong nakalipas na linggo.

Tonite – Wendys Inhouse Ad