Abante Tonite Interactive

Kapalit ng pinatalsik na kongresista nanumpa

By
435

May kapalit na ang pinatalsik na kongresista na si ABS Party-list Rep. ­Eugene de Vera.

Nanumpa kahapon kay Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu ang second nominee ng ABS Party-list na si Ulysses Garces.

Matatandaan na nitong Nobyembre 19 ay inatasan ni House Majority Leader Rolando Andaya ang House Secretary General na alisin si De Vera sa Rolls of Members ng Kamara.

Ipinagbigay-alam ni Andaya sa plenaryo ang hirit ni ABS Party-list Pre­sident Catalina Leonen-Pizarro na inaprubahan ng kanilang grupo ang isang board resolution hinggil sa pagsibak kay De Vera bilang kanilang kinatawan.