Abante Tonite Interactive

Kapalit ng V-date: Nadine inalok ng Mustang ni Xian

914

Ni Rona Ronda

May bagong artista na namang bet ang businessman at social media influencer na si Christian Albert “Xian” Gaza. Si Xian ay sumikat sa mga pakulo niyang surprise at panliligaw sa aktres na sina Ella Cruz at Erich Gonzales.

Kung may pa-billboard siya kay Erich noong 2017 para sa isang coffee date, mas bongga ang sorpresa niya kay Nadine ngayong Valentine’s Day. Isa lang naman itong “Bouquet of Mustang”.

Nagkaroon ng lakas ng loob si Xian lalo na at single na ngayon ang aktres. Isang brand new red Ford Mustang na napapalibutan ng bulaklak na animo’y naka-set-up sa higanteng bouquet.

Caption niya sa larawan, “Dear Nadine Lustre, First of all, Happy Valentine’s Week! Sana ay nagustuhan mo at nawa’y tanggapin mo ‘tong ‘Bouquet of Mustang’ na regalo ko para sayo.

Sa nasabing post, inamin din niya na mahilig siyang magpapansin sa mga taong nagugustuhan niya.

Dagdag pa niya, “Three years after, here I am again. Nagpapapansin naman this time sayo. Maaari na namang magmukhang tanga at katatawanan ng publiko but idgaf sa opinyon ng iba. This is me, this is how I express myself, this is the way I am.

“Maybe iisipin ng madlang people that this Ford Mustang is too much, na parang binibili kita at yung pagkababae mo. Nope! It’s just that my financial capacity at the moment is a little bit good and I believe that you deserve to be the first ever person in the Philippines to receive a ‘Bouquet of Mustang’ as a Valentines gift because that’s how high I value you as a woman.”

Nilinaw din ni Xian ang tunay niyang intensyon sa sorpresa para sa aktres. Aniya, “All I want is to be your acquaintance, nothing more nothing less. Happy Valentines to you, Nadine.”

Sa ngayon ay wala pang reaksyon mula sa aktres.