Abante Tonite Interactive

Kapalit ni Cardema bumuhos ang suporta

952

Suportado nang halos 50 presidente ng Sangguniang Kabataan (SK) Fe­deration sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang pag-endorso kay National Youth Commission (NYC) commissioner Victor del Rosario bilang kapalit ng kontrobersyal na si dating NYC chairman Ronald Cardema.

Sa nilagdaan nilang isang manipesto, sinabi ng mga ito na naniniwala silang si Del Rosario ang karapat-dapat na pumalit sa nabakanteng posisyon ni Cardema na nagbitiw sa kanyang posisyon noong Mayo para maging nominee ng Duterte Youth party-list.

Gayunman, nasa balag pa rin ng alanganin ang kalagayan ni Cardema matapos siyang ipetisyon ng iba’t ibang samahan para harangin ang kanyang pagiging number 1 nominee dahil sa kanyang edad na 34 na lagpas para maging kinatawan ng mga kabataan.

Samantala, nagpasalamat naman si Del Rosario sa tiwala ng mga kabataan pero si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin naman aniya ang magpapasya sa nasabing usapin.

Bago siya nahirang na commissioner ng NYC bilang kinatawan ng Visayas , si Del Rosario ay nanilbihan din sa Philippine Sugar Corporation.

Mayroon siyang degree sa public administration at masters sa development management and governance.(Mia Billones)