Abante Tonite Interactive

Kapamilya aktor tikom ang bibig kay Diego

By
320

Aminado si Marco Gumabao na ikinalungkot niya ang nangyari sa kaibigan at co-star sa “Los Bastardos” na si Diego Loyzaga.

“Wherever he is now or whatever is happening to him, kay Diego, I just want him to know na nandito kami, ‘yung mga kapatid niya sa ‘Los Bastardos,’ na we’re here to support him, we’re here to give him the love that he needs, kung kailangan niya kami, we’re just here, we’re just a text away,” pahayag ni Marco nang makausap namin sa media con ng digital movie nila ni Krystal Reyes na “Apple of My Eye” na mapapanood sa February 14 sa iWant.

Dagdag pa ng aktor, matagal na raw silang magkaibigan ni Diego at halos magkasabay daw ­silang nagsimula.

“Kaibigan ko ­talaga si Diego even before. Sabay kaming nagwo-workshop, sabay kaming ­nag-o-audition for roles, so I can say na isa si Diego sa mga ­naging ka-close ko sa showbusiness.

“So, siyempre, when that happened to him, nakakalungkot, but also, I wanna give him space. Ayo­ko namang parang maging kaibigan na ‘uy, ano’ng nangyari sa ‘yo?’ Baka magmukhang tsismoso pa ako or what, ‘di ba?” saad pa ni Marco.

Matatandaang noong Nobyembre ay napaba­litang diumano’y nag-attempt si Diego na mag-suicide. At pagkatapos nito ay nawala na rin siya sa “Los Bastardos” and from then, wala na tayong narinig pa mula sa aktor.

Ayon kay Marco ay wala na rin siyang communication kay Diego at nire­respeto naman daw niya kung ano ang kagustuhan ng pamilya nito.
“If they want na ilayo muna siya sa showbiz, okay lang. I can’t blame them. Kasi, minsan, kailangang ilayo mo rin ang sarili mo sa mga bagay na minsan, hindi okay sa ‘yo.

“So, if this is his way of coping or healing himself, and so be it,” he said.

Hopefully ay okay naman daw si Diego ngayon at gusto niyang sabihin sa kaibigan na nami-miss na niya ito, gayundin ng iba pang kasamahan sa “Los Bastardos.”

“I really hope na sana, okay naman siya and I ­really hope na sana, makasama namin siya ulit,” ani Marco.

Marco apple of the eye ni Bela

Samantala, si Marco ang personal choice ni Bela Padilla na siyang sumulat at isa rin sa producers ng “Apple of My Eye,” para gumanap na lead actor sa pelikula.

Kuwento ng aktor, tinawagan daw siya mismo ni Bela para sabihing siya ang gusto nitong gumawa ng nasabing digital film.

Matagal na raw niyang kaibigan si Bela pero first time raw niya itong nakatrabaho although aniya, bilang scriptwriter ng movie, siyempre ay hindi naman nila ito nakakasama sa shooting.

First time rin niyang nakasama at nakatambal si Krystal at kahit 7 days lang daw nilang ginawa ang film, nag-enjoy daw siya working with her.

“Masaya siyang kasama sa set, noong una, medyo nahihiya, sabi ko, ‘hindi, okay lang ‘yan.’ I helped her also para hindi rin siya mahihiya or mailang. And you know, it was really fun.”

Kakaibi­gang kuwento ng pag-ibig ang ihahatid nina Marco at Krystal sa “Apple of My Eye” na saktong-sakto sa pagdiriwang ng Valentine’s Day. Mapapanood ito nang libre sa iWant sa iOS o Android apps o sa web browser sa iwant.ph on Feb. 14. Ito ay mula sa direksyon ni James Mayo.