Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapamilya dudurugin ang ASAP sa TV5

0 666

Marami ang nagsasabi na magiging giant network ang TV5 dahil maraming shows ang magsisimula na ang bibida ang mga Kapamilya star.

Kumpirmadong sasama si Maja Salvador kay Johnny Manahan. Nag-anunsyo na siya sa kanyang Instagram account na mapapanood na siya sa ibang network.

Balita rin na consultant si Mr.M ng Brightlight Productions .Ang mga shows nito ay mapapanood sa TV5,

Pinag-uusapan ang Sunday noontime show na tatapat sa ASAP.

Posibleng dito mapapanood si Maja kasama ang mga napapabalitang hosts na sina Piolo Pascual at Catriona Gray.Ayon sa chism , join din sina Inigo Pascual, Enchong Dee.

Madurog kaya nila ang ASAP at ito na ang mamayagpag na programa? O, talunin sila ng ‘All-Out Sunday’ nina Alden Richards, Rayver Cruz , Julie Anne San Joseng GMA 7?

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matunog din ang daily noontime show ng TV5 na pamamahalan ni Mr. M at ni Direk Bobot Mortiz . Ito’y ang Laugh Out Loud na tatampukan nina Billy Crawford, Alex Gonzaga, K Brosas , Wacky Kiray. Lumalabas na rin ang pangalan ni KC Concepcion.

Napipisil din si Luis Manzano sa show na ito?Matuloy kaya siya? Maibalik kaya ang tandem nila ni Billy sa Singko?

Matunog din ang sitcom nina Ian Veneracion, Dimples Romana, Sue Ramirez, Gloria Diaz at Ariel Ureta

May serye ring gagawin daw sina Yen Santos, Beauty Gonzales, RK Bagatsing na I Got You. Ito ay sa direksyon ni Dan Villegas.

Sina Ritz Azul at Jayson Gainza ba ang bibida sa Sunday Kada Kada Sunday under Direk Bobot Mortiz?

Nandiyan din ang Rated Korina ni Korina Sanchez.

Abangan na lang natin ang magiging bagong ganap sa TV5. (ART)

Leave A Reply

Your email address will not be published.