Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapamilya, Kapuso sanib-puwersa sa pag-ayuda

0 223

Sanib-puwersa ang ilang Kapuso at Kapamilya stars kasama ang mga kapwa miyembro ng grupong Aktor para magbigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Ulysses sa Marikina City.

Batay iyon sa mga larawan at video na binahagi ni Jasmine Curtis-Smith sa Instagram.

Kasama niya roon si Angel Locsin at fiance nitong si Neil Arce at mga member ng Aktor.

“From everyone at @aktorph, thank you to those that have donated and special mention and thanks to @r33trucks for being with us during our first batch of relief distributions! We were able to complete 4 distributions today around Marikina!” caption ni Jasmine.

Sa IG post ni Angel, makikita ang pagi-empake ng mga relief goods ng ilan pang Aktor members and volunteers na sina Sunshine Dizon, Paolo Paraiso, Dingdong Dantes, Agot Isidro, Jerom Canlas at Iana Bernardez sa Taumbayan bar sa Kamuning, Quezon City.

Kabalikat ng grupo sa pamamahagi ng donasyon ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, Caritas Philippines, Dantes’s YesPinoy Foundation at Andrew’s Fund PH. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.