Abante Tonite Interactive

Kapamilya pinagtawanan sa ‘Wowowin’

1,145

Willie na-stress sa contestant
Ni Archie Liao

Na-stress si Willie Revillame sa batang contestant sa ‘Willie of Fortune’ sa kanyang show na “Wowowin” sa Kapuso network kamakailan.

Sa naturang segment, natanong kasi ng TV host kung sinong mga paboritong artista ng grade one student na si Jed.

Pagtatapat niya, bet daw niya sina Cardo o Coco Martin ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at si Ronnie Alonte.

Walang kagatol-gatol ding binanggit ng bata ang “It’s Showtime” na tinawanan ng audience.

Mga artista ng rival network ng GMA-7 talaga ang binanggit ni Jed.
Nang hingan niya ng mensahe ang bata para batiin ang dalawa, mataginting na “What’s up, madlang pipol?” ang isinigaw nito na obviously ay tagline sa “It’s Showtime”.

Tawanan na naman ang mga tao na nasa show.
Hanggang ngayon, trending ang nasabing video sa social media at marami ang na-amuse sa kabibuhan ng bata.

May mga nagsabing na-stress daw si Willie at malamang na makatanggap daw ito ng memo mula sa GMA management.