Abante Tonite Interactive

Kapamilya sasaluhin ng kapatid?

1,639

May alingasngas nga­yon na umano’y balak bilhin o rentahan ng ABS-CBN Channel 2 ang TV5 oras na hindi makakuha ng renewal ng franchise sa Marso 2020.

Ano ang reaksyon ng mga Kapamilya sa tsismis na ito?
Positibo naman ang mga artista na hindi magsasara ang ABS-CBN Channel 2 ng mga Lopez. Ayaw raw nila mag-isip ng ne­gative dahil hihilahin lang daw sila ng depresyon at pag-alala.

Tiwala sa management ang pare-pareho nilang isinasagot.

“Totoo ba? So, gagawa kami ng mga bagong shows sa 5? Kunin nila kaming lahat. Hehehe! Sana nga,” reaksyon ng isang Kapamilya talent.

Isang mapagkakatiwalaang source sa ABS-CBN 2 naman ang kinunan namin ng reaksyon.

Inamin niya na umano’y may negotiation umano na namamagitan sa TV5 ng bil­yonaryong si Manny V. Pangilinan at ABS-CBN 2. Ganoon din daw sa ZOE Broadcas­ting Network Inc. na umeere sa Channel 11.

Hindi naman bibilhin pero may pag-uusap na partnership para maere ang show na ipoprodyus ng Dos.

Kumbaga, isang option ito para hindi mawalan ng trabaho ang mahigit na 10,000 na empleyado ng Channel 2.

Bukod dito, ina-assure umano ng ma­nagement na may six months grace period pa ‘pag ‘di nakakuha ng franchise sa Marso. Aapela pa sila sa Court of Appeals sa loob ng six months. May anim na buwan din umano sa Supreme Court. So, may isang taon pa raw na magtatagal ang Dos kung hindi makakuha ng franchise.

Ang TV-5 ay hindi umano makaabante dahil ang ESPN sports experiment nila ng dating boss na si Chot Reyes ay pumalpak.

Isa pa umanong opsyon ay rentahan ang mga channel ng ZOE Broadcasting Network Inc nap ag-aari ni Jesus is Lord founde­r Bro. Eddie Villanueva kapag hindi nakuha ng ABS-CBN ang kanilan franchise renewal. Umaasa ang mga Lopez na makakuha sila ng franchise kapag natapos na ang termino ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Duterte. (Roldan Castro)

Tonite – Wendys Inhouse Ad