Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapamilya star ‘nagsisi’ sa paglipat sa TV5

0 23,478

RODEL FERNANDO: Mula nang pinagkaitan ng prangkisa ang ABS-CBN, bukod sa mga empleyado ay nawalan rin ng trabaho ang mga artista rito. Ang nangyari tuloy ay marami sa mga ito ang naglipatan sa ibang istasyon. Maging ang Star Magic na humahawak sa maraming artista nila ay unti-unti nang iniiwanan ng iba nilang talent.

Balitang umalis na raw si Bea Alonzo sa pangangalaga ng Star Magic pero nananatili pa rin siyang Kapamilya. Sinundan niya sa pag-alis si Julia Barretto na nasa Viva Artist Agency na. Important stars silang maituturing ng naturang talent center kaya naman hindi mapigilan ang ilang mga netizen na tawagin silang walang utang na loob.

Sa mga lumipat naman ng ibang network gaya nina Maja Salvador at Piolo Pascual ay hindi rin sila tinatantanan ng mga negative comment sa social media at ibat ibang entertainment sites. Mga inggrato at inggrata raw sila.

Bagong lipat naman sina Jake Cuenca at Joem Bascon na balitang magkakaroon na rin ng show sa Kapatid Network.

MILDRED BACUD: Marami ngang pagbabago ang naganap mula ng pagkaitan ng prangkisa ang ABS- CBN. Mga ka-Cuatros hindi lang usapin ng loyalty ng mga artista, kundi ng mga empleyado. Tulad ni direk Bobet na siyang lumikha ng It’s Showtime pero nilayasan din. Tinapatan pa via rival show nito na SNL bilang consultant. Nasaan na daw ang sinasabi niyang kahit wala ng makain ay hindi iiwan ang nasabing show?

Alam niyo ba according to my source, mas naging hands-on na rin daw si Vice Ganda sa kanilang programa. Mas nakialam na rin daw ito sa flow ng show at nagbibigay ng input para mas mapaganda daw ang show. Kahit daw sa kalaliman ng gabi kapag nakaisip ng magandang ideya para sa show ay sinasabi raw niya sa kanilang gc. Okey naman daw ‘yun sa staff at mga kasamahan lalo’t wala na nga tatay nila sa It’s Showtime.

Ang nakakalungkot lang mga friend dahil sa buhay na naman ang kumpetisyon sa telebisyon, may mga dating empleyado na raw ng Kapamilya ang nagba-badmouth sa dating home network.

Pero alam niyo, may hindi pa rin talaga malinaw. Bakit nga ba nag-aalisan sa poder ng Star Magic ang ilang artista nila?Recently nga si Bea at may susunod pa raw.

Pero may ilan naman umano na nagsisi naman daw sa paglipat sa TV5. Ano ba talaga?

SM SuperKidsDay Banner Ad

ROMMEL PLACENTE: Sa totoo lang, sa tingin ko hindi na uso sa showbiz ang salitang utang na loob. Marami talaga sa mga artista ang ingrate.Hindi sila marunong tumanaw ng utang na loob sa mga taong nakatulong sa kanila . Ayokong sabihin na yung lumipat sa TV5 ay mga walang utang na loob.May kanya-kanya siguro silang dahilan kaya nagawa nilang iwan ang istasyong naging dahilan para makilala,magkapera at sumikat sila.

Pero sa mata ng marami, siyempre inisip nila na walang utang na loob ang mga ito, di ba? Pero nakakatuwang malaman na may mga katulad pa rin nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Kim Chiu, Liza Soberano, Enrique Gil at iba pa na nanatiling loyal sa Kapamilya network.

ROLDAN CASTRO:

Diyan ko hinahangaan si Enchong Dee na hindi nasilaw sa malaking TF para lumipat.Nananatili siyang loyal sa Kapamilya at Star Magic.

Masuwerte lang siya na naging masinop at na-invest nang maaga ang pera niya pagpasok pa lang ng showbiz.

Sey niya sa presscon ng Sunlife, dapat daw ay palaguin ang pera para mapakinabangan at magkaroon ng freedom sa future gaya ng sinasabi ng Sunlife. Kumbaga, hindi siya kabado kung saan kukuha ng pambayad ng bills dahil na-invest sa tama ang kadatungan niya.

So, ngayon, hindi mahirap sa kanya ang desisyon na lilipat ba o hindi dahil ang showbiz ay isang parte lang ng buhay niya. Marami siyang bagay na pinagkakaabalahan at mga negosyo.

Pero hindi naman puwedeng husgahan ang mga kaibigan niya at dating Kapamilya na nago-ober da bakod dahil karamihan sa kanila ay mga breadwinner. Sobrang naiintindihan daw niya ang mga ito.Hindi naman daw puwedeng alisin sa kanila ‘yung pagkakataon na makapagtrabaho sa ibang istasyon.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.