Abante Tonite Interactive

Kapartido ni Duterte sa PDP-Laban nagtalunan sa NPC

By
1,662

Patuloy ang paglakas ng Nationalist People’s Coalition (NPC) kasunod ng paglilipatan ng iba’t ibang politiko mula sa iba’t ibang partido.

Ito ang ipinagmalaki ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, tumatayong senior party adviser ng NPC.

“Hindi naman sa pag­yayabang dati na ka­ming mala­kas, lalong luma­lakas kasi mula nung 1992 kami lang ang 2nd largest hindi kami nagkaroon ng presidente na member kahit kelan, pero lagi kami 2nd lar­gest,” diin ni Sotto sa panayam ng DWIZ.

Abante Hiring – IT dep

Kinumpirma rin nito na marami sa kanilang mga bagong miyembro ay galing sa mga partido tulad ng PDP-Laban kung saan tumatayong chair si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Generally sa ngayon,­ galing sa PDP-Laban karamihan pero meron din galing Lakas, NP (Nacionalist Party), marami rin galing LP (Liberal party),” paha­yag ni Sotto.

Sa ngayon naman, mayroon na aniya silang walong siguradong pasok sa kanilang senatorial line up para sa 2019 Midterm Elections.

Kabilang na rito sina Senador Grace Poe, Senador Nancy Binay, Senador JV Ejercito, Senador Sonny Angara, dating Senador Lito Lapid, Representative Pia Cayetano, Special Assistant to the President Bong Go at Bucor Director Ronald dela Rosa.

Pinag-uusapan pa rin naman ng partido kung isasama sa line up sina dating Senador Jinggoy Estrada at dating Senador Bong Revilla.

Posible aniyang hindi na nila isama sa line up sina Representative Imee Marcos at Senador Bam Aquino habang sina Ted Failon at Mon Tulfo anya ay tila hindi interesadong kumandidato.