Abante Tonite Interactive

KAPATID NI COCO, BOTO KAY JULIA

By
82

NAALIW kaming kausap si Ronwaldo Martin, ang nakababatang kapatid ni Coco Martin.

Halos panay one word lang kung sumagot si Ronwaldo, na hindi sanay iniinterbyu at nabablangko raw kapag tinatanong na siya ng press.

Pero ang cute niya dahil natural ang pagkamasa niya at wala siyang kashowbisan sa katawan.

Abante Hiring – IT dep

Bet na bet namin si Ron sa critically-acclaimed indie film last year na Pamilya Ordinaryo na rumampa sa Cannes filmfest.

Batang kalye ulit ang role ni Ron sa bagong indie film ni Direk Joel Lamangan na Bhoy Intsik.
Iniwan ng magulang at nakatira sa sirang bus sa loob ng sementeryo ang karakter ng morenong binata.

Nagkakilala sila ng bidang bading na ginagampanan ni Raymond ‘RS’ Francisco, na manggagantso ring kagaya niya.

Doon siya tumira sa bahay nito at lumalim ang kanilang relasyon, pero hindi raw nagkaroon ng relasyong seks­wal sina Ron at Raymond sa movie dahil ­parang tatay-tatayan ang turing niya rito.

Julia Montes
Julia Montes

Sa totoong buhay, naniniwala ba si Ron na ‘pag nagsama ang isang lalaki at bading sa iisang bubong ay nagkakaroon ng atraksyon sa pagitan nila?

“Oo naman po. Pero minsan po, meron ding hindi siguro,” kaswal na sagot ng 19-anyos na binata.

May nagawa na ba siyang pelikula na nagkaroon siya ng intimate scene sa isang bading?
“Wala pa po.”

Kaya niya bang gawin ‘yon kung sakali?

“Hindi po. Pero kung magkaka-award ako, gagawin ko po!” natatawang pakli ng bagets.
Gaano ba siya ka-da­ring? Kahit ano ba, kaya niyang gawin?

“Hindi naman po si­guro.”
Kaya niya bang mag­hubad?

“Ayaw po ni kuya (Coco), eh!”
Kung payag si kuya, keri niya?

“Okey lang po, okey lang.”
Eh ‘yung halikan at love scene na lalaki sa lalaki?

“Hindi pa kaya,” sey ng matipid sumagot na half-brother ni Coco.

***

Coco Martin
Coco Martin

May girlfriend si Ronwaldo na tagaroon lang malapit sa kanila sa Novaliches.
Na-meet niya ito sa school at 3 years na sila.

Nakatapos si Ron ng high school pero hindi na siya nakapag-college.

Dati ay nakatira siya sa malaking bahay ni Coco sa Fairview, pero ngayon ay doon na siya sa biniling bahay ng kuya niya para sa lola nila.

Ayaw tirhan ng lola nila ang house na ‘yon, so doon nakatira si Ron at ang tatay niya.
Mahigpit ba sa kanya ang Kuya Coco niya?

“Istrikto po. Pinapayagan naman po akong lumabas, kaso may oras po. Hanggang 9:00 (PM), ganu’n. Kailangan nasa bahay na ako.”

Na-meet na ba ni Coco ang girlfriend niya?
“Opo, na-meet na niya. Okey naman po sa kanya.”

Eh siya, na-meet na ba niya ang nobya ng kuya niya?
“Hindi pa po, eh!” mabilis na sagot ng ba­gets.

Hindi pa niya nami-meet si Julia Montes?!
“Hindi pa po.”

‘Yung totoo? ­Hindi pumupunta si Julia sa bahay ng kuya niya?
“Hindi po, eh.”

Pero naniniwala ba siyang magkarelasyon sina Coco at Julia?
“Po? Hindi ko po alam kay kuya kasi, eh!” natatawang pakli ni Ron.

Pero alam niyang may ganu’ng balita tungkol sa dalawa (CocoJul)?
“Naririnig ko lang po at saka napapanood ko.”

If ever, boto ba siya kay Julia para sa kuya niya?

“Kung gusto po siya ni kuya, bakit hindi naman po, ‘di ba? Maganda naman po si Ate Juls.”

Medyo matanda na rin si Coco (35-anyos). Okey lang ba sa kanyang mag-asawa na ang kuya niya?

“Opo, okey lang po. Depende po kasi sa kanya ‘yun, eh!”

***

In fairness ay na-proud kay Ronwaldo ang Kuya Coco niya sa pelikula niyang Pamilya Ordinaryo.

After nilang ­manood nito sa CCP ay pinuri nito ang performance niya sa pelikula at hanggang sa pag-uwi nila ay panay pa rin ang puri nito sa kanya.

Ang sabi sa kanya ng kuya niya ay ituloy niya lang ang ginagawa niya at hinahayaan siya nito.

Hindi siya nanghihingi ng tip o advice sa kuya niya, pero nagtatanong siya pagdating sa pag-iyak dahil aminado si Ron na hirap siyang umiyak.

“Katulad po dito sa Bhoy Intsik. Sabi ko, ‘Kuya, pinapaiyak ako ni Joel Lamangan, natatakot ako, eh!’

“Sabi niya, ‘Isipin mo lang ‘yung malulungkot na bagay.’ Nakaiyak naman po ako. Natakot ako kay Direk, eh!” kwelang hirit ng masayahing si Ronwaldo.

Kabilang ang Bhoy Intsik sa limang entries sa Sinag Maynila 2017 indie filmfest (March 9-14) na mapapanood sa SM Megamall, SM North EDSA, Gateway at Glorietta 4 Cinemas.