Abante Tonite Interactive

#KAPAYAPAAN patama ni Vice kay Terrence

By
5,689

Kahit hindi kasali si Queen Bayot Vice Ganda sa bimba­ngan at suntukang naganap sa pagitan ng koponan ng Pilipinas at ng Australia sa kalagitnaan ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifier, marami pa rin ang pilit na pilit na idawit siya dahil nga ang lalaking minsan ay naging malapit sa kanya, si Terrence Romeo, nagpaka-halimaw, sumali sa cock fight at yun na nga, pinatalsik tuloy sa pagla­laro.

Ano nga kaya ang pakiramdam niya kung saka-sakaling pinapanood niya ang laban?

Kung sakaling wa siya pakels sa kaguluhan, sino nga kaya ang dalahirang nagkuwento sa kanya tungkol sa umbagan? May kaunting pag-aalala pa ba siya para kay Romeo? Does Ganda know him so well at nauunawaan niya ang pagiging marahas nito? O bigla siyang nagpasalamat dahil hindi na sasakit ang kanyang ulo, hindi na siya natataranta dahil may tandang pandamdam na ang kanilang pagiging malapit.

Itinanggi ni Romeo ang pagiging malapit nila ni Jose Marie at ang pagtangging ito, ang pinakamasakit na katotohanan para sa isang bakla na ang tanging kasalanan lang ay nagmahal.

Halata namang naka-move on ang Unkabogable Box Office Sensation. Wala siya kahit na anumang kuda, hanash at talak tungkol sa kaguluhan.

“#KAPAYAPAAN,” ito lamang ang pahayag ni Ganda sa Twitter. Kung ito ay patungkol sa pangyayari, tanging ang Queen Bayot lamang ang nakakalam.

War freak mode pa rin si Terrence kung babasahin ang kanyang mga post. Hayaan na natin siya. We are not naman in his shoes and the shoes of his team mates. Spectators lang naman tayong lahat na nabigla sa inasal nilang mga taga-Gilas Pilipinas.

And please, let us not make this an issue of pride and love of country. May mas malaki at pangmalakasan tayong bansang kalaban at hindi iyan ang Australia. Kung talagang mahal niyo ang Pilipinas, hindi dapat ang continent Down Under and its denizens ang awayin niyo.

Palagan ang tunay na mananakop. ‘Yun lang.

Laplapan ng KathNiel pangabog sa JaDine

Hindi ko alam kung bakit dapat gawing big deal ang mga kissing scene nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa pelikulang kanilang ginagawa, ang The Hows of Us.

In their early twenties na sila kaya nga dapat, ibaon na sa limot ang kanilang Teen King and Queen na titulo.

Hindi na bagay na irritatingly saccharine ang mga plot at story arc sa kanilang mga pelikula. Mga young adult na silang dalawa kaya dapat mga young adult issue and reality rin ang kanilang ipinapakita.

Aminin man nila o hindi, dapat nilang tapatan o higitan ang emotional maturity at acting prowess na ipinadama at in full display sa Never Not Love You, ang sinasabing millennial Sana’y Maulit Muli nina James Reid at Nadine Lustre.

Reid and Lustre raised the bar so high and all the other love teams will be measured sa kanila dahil nga sakdal husay at ga­ling sila sa pelikula. Kumita pa sa takilya.

Sa acting department, marami ang nagsasabing leaps and bounds na ang improvement ni Padilla. Nakakalungkot na marami ang may persepsyon na pagdating sa makatotohanang pagganap, si Bernardo ang weakest link sa partership for reel.

If Kathryn does not shape up, acting wise, hindi na ako magtataka kung darating ang panahon na ibang mas mahusay na aktres ang ipapareha kay Daniel and before we know it, gone with the wind and gone in 60 seconds na si Kathryn Who?

***

Alam kong she is just being a loving and supporting sister pero matapos kong malaman na si Sharon Cuneta, ang kapatid nitong si Chet ay tatakbong mayor sa Pasay City under the coalition supporting President Digong Duterte, hindi na ako tagahanga pa ni Ate Shawie.

Hindi naman kawalan sa kanya kung hindi ko na siya mamahalin, susuportahan at yayakapin.

Yun nga lang dinner nila dati ni President Digong na mas priority niya pa kesa suportahan ang jewelry launch ni KC Concepcion, umarko ang kilay ko, itong latest episode sa buhay niya bilang Cuneta at asosasyon sa Ginoo, nakakapagdabog ng bangs in a major, major way.

Hindi ako makapaniwala na she is able to rise above what Pres. Duterte represents.

Disappointed ako kay Sharon. I thought she knew better. Para na rin niyang inamin na dahil walang ginawang masama sa pamilya dati ang mga Marcos, kaya hindi masama ang turing niya sa mga ito.

At ngayon, dahil walang masamang ginagawa si Pres. Duterte sa pamilya niya, naging kaalyado nito ang kanyang kuya. Huwag ka na magpaliwanag. Matanda ka na.