Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapit lang sa Diyos ngayong panibagong lockdown!

0 163

Aligaga at balisa ang marami są panibagong malawakang lockdown na sinisimulan sa bansa ngayong araw. Parang mga tupang walang direksiyon ang mga tao sa lansangan nitong mga nakaraang araw sa paghahanda sa dalawang linggo na namang pananatili sa kanya-kanyang mga lungga.

Mas tumindi ang trapik ngayong linggo; magsasara na naman kasi ang maraming mga establisyemento. Sa radyo at tv maririnig ang daing ng marami sa panibagong ECQ, lalo na mula sa sektor ng mga manggagawa. Sa gitna ng krisis walang matakbuhan ang mga tao sa kanilang mga pangangailangan!

Napapanahon ang mensahe ng Ebanghelyo ngayong Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon sa tila desperadong sitwasyon ngayon kung saan pahayag ni Hesus, “Ako ang pagkaing nagbibigay-buhay” (Cfr. Juan 6: 24-35). Bibigayan tayo ng Panginoon ng kasiguruhan na hindi tayo magkukulang o masasawi.

Malinaw ang pangako ni Kristo sa tanan, “Ang lumalapit sa Akin ay hindi na magugutom at ang nananalig sa Akin ay hindi na mauuhaw pa kailanman.” Binibigayang diin ng Panginoon ang kahalagahan ng pananalig. Pinapaalalahanan tayo ni Hesus na hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao.

Paliwanag ng Simbahan, “As bread nourishes, relishes and perpetuates life, so does Jesus. For he is the Bread of Life, one who comes to him shall not hunger and he who believes in him shall never thirst.” Tanging Diyos lamang ang makatitinghaw ng ating pagkauhaw at makapupugnaw ng ating pagkagutom!

Samakatuwid, kung buo ang ating pananampalataya,wala tayong dapat ikabahala ngayong panahon ng krisis. Hindi tayo pababayaan ng Diyos mamatay sa gutom o masawi sa karamdaman. Sa totoo, hindi bakuna ang magliligtas sa atin sa kumakalat na peste kundi ang Diyos na may hawak ng ating buhay.

Ani Pope Francis, “Jesus wants that our encounter with him should go beyond the satisfaction of our immediate needs. He wants us to realize that he came to bring us something more so that we may open our hearts to a wider horizon by directing our attention from our earthly concerns to that which leads to eternal life, viz. the Bread from heaven.”

Sa madaling salita, tinuturuan tayo ng Diyos ngayong pandemya na ituon ang ating atensiyon sa mas mahahalagang bagay, pinag-iisip tayo ng Panginoon ukol sa buhay na walang hanggan. Saad ng Simbahan, “This pandemic has challenged the whole world to grow in faith.” Sa gitna ng peste inaasahan magkaroon mayo ng mas malalim na pananampalataya.

Payo ng Iglesya lalo na sa mga suko na, “The Lord is asking us to persevere in this pandemic desert and to trust in him, never forgetting that he has always provided for us all that we need. Even if we are still in the pandemic desert we declare our faith and trust in him that we will not perish, for God is God and is unchanging in his love for his people.”

Kapit lang sa Diyos ngayong panibagong lockdown, kung sa gayon. Tupdin natin ang paanyaya ng Santo Papa sa tanan, “not to worry but to nurture our relationship with the Lord and strengthen our faith in him who is the ‘Bread of Life’ who came to satisfy our huger and heal our sins.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.