Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapit-Tukong Multo

0 40

Mga ka-Misteryo, kayo ba ay sinusundan ng multo kahit saan kayo magtungo?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

May paniniwala ang mga matatanda na kapag nagpupunta sa burol, siguraduhin na magpagpag muna bago umuwi. Sa ganitong paraan ay hindi susunod ang multo sa pag-uwi sa bahay.

Pero sa karanasan ni Manny ng Batangas, hindi lang sumunod sa pag-uwi niya ang multo kundi kasa-kasama niya lagi kahit saan man siya magpunta.

Misteryo: “Nagsimula ba yan nang magpunta ka sa burol ng isang kaibigan o baka nahatak mo yan sa ibang lugar,”

Manny: “Simula ko siyang naramdaman pagkauwi ko mula sa lamay ng aking katrabaho.”

Misteryo: “Hindi ka nagpagpag? O dumaan muna sa isang mataong lugar tulad ng mall o kainan bago ka umuwi ng bahay?”

Manny: “Epektibo ba ang pagpag? Hindi kasi ako naniniwala sa ganun. Pero noong naramdaman ko na may sumusunod sa akin, nagsisi tuloy ako.”

Misteryo: “Paano mo nalaman na sinusundan ka ng multo? May nakakita ba sa multo o nakita mo?”

Manny: “May kaibigan akong psychic na nakakita sa Nakabarong na lalaki sa likod ng sasakyan ko minsan na sumabay siya sa akin. Nagtanong siya kung may kilala ba akong ganun ang hitsura. Sabi ko sa kanya yun yung katrabaho namin na namatay.”

Misteryo: “Matagal mo na ba nararamdaman yung multo bago nakita ng kaibigan mong psychic?”

Manny: “Oo kasi kailan ko lang naisakay yung kaibigan ko. Tapos sabi niya lagi daw nakabuntot sa akin yung multo parang may kailangan siya sa akin. Kaya napaisip ako.”

Misteryo: “Baka naman may pangako ka na hindi natupad kaya sinusundan ka?”

Manny: “Ilang gabi din ako nag-isip nang sabihin sa akin na parang may kailangan sa akin ang multo. Bigla ko naalala may promise ako na babayaran ko utang sa kanya dahil kailangan ng pamilya niya.”

Misteryo: “Anong ginawa mo? Kinausap mo ba ang multo?”

Manny: “Nagpatulong ako sa kaibigan kong psychic kaya ayun nang magsabi ako na magbabayad na ako sa pamilya niya, umalis na siya.”

Hindi dapat ipagwalang bahala ang bisa ng pagpag kaya’t lagi itong gawin kapag nagpupunta sa mga lamay o burol ng mga namayapa.

Para sa inyong kuwentong karanaaan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com At abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.