Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapitan kalaboso sa pagpaputok ng baril

0 208

Swak sa selda ang isang kapitan sa Maynila matapos na magwala at nagpaputok ng kanyang baril sa loob ng tanggapan ng Barangay 844 Zone 92 sa Pandacan kamakalawa ng gabi.

Nasa kustodiya ng Manila Police District-Police General Assignment Section, ang suspek na si Barangay Chairman Edmundo Tojon, 60.

Ayon sa pulisya, alas-9:49 ng gabi nang arestuhin ang suspek matapos makatanggap ng reklamo sa isang concerned citizen dahil sa ginagawang pamamaril ng suspek sa loob mismo ng barangay hall.

Kaagad namang rumesponde ang pulisya at inabutan ang suspek na hawak pa ang kanyang caliber .45 medallion II-F, 1 magazine na may 6 na bala.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa dahilan ng insidente habang mahaharap sa kaukulang kaso si Tojon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.