Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapitan minura, magkapatid swak sa selda

0 89

Kulungan ang bagsak ng magkapatid sa Pasig City matapos pagmumurahin at pahiyain ang kanilang barangay chairman nang sitahin sila dahil walang suot na face mask kamakalawa.

Nahaharap sa kasong oral defamation at paglabag sa ordinansa ang mag-utol na Melvin Galoy, 33, at Marvin Galoy, 35, kapwa construction worker at taga-Barangay Malinao.

Ayon kay Barangay Chairman Joel Dela Cruz, 57, papunta siya sa barangay hall alas-11:10 Biyernes ng umaga nang mapansin si Melvin na walang suot pang-itaas at walang face mask na naglalakad sa kalsada.

Sinita nito ang suspek subalit pasigaw itong sumagot na, “May hinihintay lang ako, putang-ina niyo.”

Inimbitahan ni Dela Cruz si Melvin sa barangay hall subalit dumating ang kapatid na si Marvin at nagsisigaw na “Putang-ina mo wala kang kwentang Kapitan, walang kwentang kapitan to.”

Dito na tumawag ng pulisya ang kapitan para arestuhin ang magkapatid. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.