Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapitan niratrat ng tandem

0 123

Sugatan ang isang barangay chairman matapos paulanan ng bala ng riding in tandem sa labas ng kanyang bahay sa Malabon City, Sabado ng umaga.

Ayon kay Col. Albert Barot, hepe ng Malabon Police, inoobserbahan ngayon sa MCU hospital ang biktimang si Felimon Villanueva, 68, Barangay Chairman ng Tonsuya sanhi ng tinamong bala

sa tiyan at kaliwang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na ulat nina police investigators PSSg Michael Oben at PCpl Renz Baniqued, alas-9:35 ng umaga nang maganap ang insidente sa Barangay Tonsuya, Malabon City.

Nakaupo ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang biglang lapitan ng isa sa mga suspek na armado ng hindi mabatid na kalibre ng baril at ilang beses na pinaputukan ang biktima saka mabilis na tumakas sakay ng isang Honda Click na minaneho ng kanyang kasabwat.

Agad na ipinag-utos ni Col. Barot sa kanyang mga tauhan ang hot pursuit operation laban sa mga suspek habang inaalam pa ang motibo sa krimen. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.