Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapitan tinumba ng tandem sa Cavite

0 542

Tinutugis ng pulisya ang riding-in-tandem na bumaril at pumatay sa barangay captain habang nasa harapan ng kanilang bahay sa Tanza, Cavite.

Nasawi si Emelito Mercado, 54, kapitan ng Brgy. Amaya 1 Tanza, Cavite dahil sa tama ng kalibre .45 mula sa mga suspek na sakay ng itim na Yamaha Nmax.

Alas-kwatro Miyerkules ng hapon nang naganap ang insidente, nasa harapan ng kanilang bahay ang biktima nang pagbabarilin sila ng suspek. Namatay noon din ang biktima habang ang mga suspek ay tumakas sa direksiyon ng Trece Martires City ang kanilang motorsiklo.

Inaalam pa kung may kaugnayan sa kanyang trabaho ang motibo sa pagpatay pero ayon kay Dantes, strikto raw si kapitan pagdating sa trabaho.

Bago ang pagpatay sa biktima, nagsampa ito ng kasong threat at unjust vexation sa kanyang mga tauhan habang ilan sa kanila ay sinipa nito sa trabaho. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.