Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapitan, treasurer sex bumulaga sa zoom meeting

0 1,669

Sumambulat sa madla ang live na pagtatalik ng chairman at kanyang treasurer sa loob mismo ng barangay hall sa Dasmariñas, Cavite, na dapat sana’y isang online zoom meeting para talakayin ang isyu sa COVID-19.

Nabatid na nakatakda sanang magsasagawa ng online zoom meeting sa Brgy. Fatima 2 sa nasabing lungsod para pag-usapan ang pandemya pero iba ang naganap. Sa ulat, tila inakala ng chairman sa nasabing barangay na hindi naka-on ang kanyang video cam kaya nagpasya munang magtalik ang una at ang kanyang barangay treasurer.

Sa kumalat na video, makikita na nakatuwad ang babae habang binabarurot naman siya ng chairman.

SM food to go Banner Ad

Subalit hindi alam ng dalawa na nakabukas pala ang video cam nito kung kaya nakita ang kalaswaang ginagawa ng dalawa.

Naka-live din ang nasabing meeting kung kaya lahat ng nakapanood ay kitang-kita ang nagaganap na pagtatalik ng dalawa. Dahil sa pangyayari, may mga residente na gumawa ng petisyon laban sa kanilang chairman para sa agarang pagpapatalsik dito.

Ayon naman sa Department of Interior and Local Government (DILG) na “unbecoming of a public officials” ang ginawa ng dalawang barangay official at kanilang iimbestigahan ang nasabing pangyayari. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.