Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapitbahay lumagpas sa lote namin

0 109

Dear Atty. Claire,

Mayroon po kaming issue sa katabing bahay namin. Yung neighbor po namin ay naka-encroach sa lupa namin. Nagpunta na po kami sa barangay pero we failed to reach an agreement in the Barangay level. Yung Barangay nagbigay na ng Certificate to File Action to proceed with a legal case. My question is, anong civil case ang pwedeng isampa sa ganitong sitwasyon? Thank you.

Regards,

Mon

SM food to go Banner Ad

Mr. Mon,

Sana ay mayroon ka ng survey plan na hawak na magpapatunay ng encroachment na ginawa ng iyong kapitbahay. Ito ang magsisilbing ebidensya mo para ipaglaban ang karapatan sa nasakop na parte ng inyong lupa.

Maaari mong sampahan ng kasong ejectment para mabawi mo ang possession ng property ngunit dapat mo itong isampa sa loob ng isang taon matapos mong madiscover ang encroachment. Kapag lumagpas ang isang taon ay accion publiciana o recovery of possession na ang maaari mong maisampa sa korte. Ayon sa kasong SPOUSES RAFAEL BENITEZ AND AVELINA BENITEZ vs COURT OF APPEALS, SPOUSES RENATO MACAPAGAL and ELIZABETH MACAPAGAL, GR No. 104828, January 16, 1997 na ang kasong isnimapa na ejectment laban sa mga nakasakop sa parte ng lupa na pagaari ng iba ay masasabing tamang remedyo lalo pa na ito ay naisampa sa loob ng isang taon matapos na ito ay madiskubre ng may ari ng lupa. Ang hininging bayad para sa pag okupa ng parte ng lupa mula sa nag encroach ay hindi maituturing na renta kundi danyos o damages dahil sa nakinabang ng matagal ang nag encroach sa parte ng lupa.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel Batas with Atty. Claire Castro. Subaybayin din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 5:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.