Abante Tonite Interactive

Kapitbahay pinatay,itinapon sa dagat

Anak ng kinulam gumanti!

By
0 422

Puspusan ang ginagawang paggalugad ng mga awtoridad sa bangkay ng isang 50-taong gulang na babae na sinasabing pinatay at itinapon sa dagat sa Cebu kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nawawalang bangkay ng biktimang si Joce­lyn Amarila, biyuda, residente ng Bara­ngay Banhigan sa ba­yan ng Dalaguete, Cebu.

Sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Junrey Gesalan, kapitbahay ng biktima.

Sa imbestigasyon ng pulisya, inamin diumano ng suspek na ito ang pumatay sa 50-anyos na ginang at saka itinapon nito sa dagat ang bangkay na may pabigat na mga bato.

Ayon pa sa suspek, nagawa niya ang krimen bilang ganti dahil ipinakulam umano ng biktima ang kanyang nanay.

Sa tulong ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ilang mga mangingisda, pinuntahan ang lugar kung saan itinapon ang bangkay, ngunit dahil sa sobrang lalim ay wala silang makitang bangkay.

Samantala, nagpa­tulong na si Dalaguete Mayor Allan Ronald Cesante sa mga scuba diver ng Philippine Coast Guard (PCG) na may kakayahang sumisid sa malalim na bahagi ng karagatan upang marekober ang itinapon na bangkay.