Abante Tonite Interactive

Kapitbahay sinaksak sa ingay ng chainsaw

384

By Vick Aquino

Kritikal ang kalagayan nang isugod sa pagamutan ang isang 48-anyos na lalaki matapos pagtulungang saksakin ng magkapatid na kapitbahay na umano’y naingayan sa kanyang kinukumpuning chainsaw, Linggo nang umaga sa Iloilo City.

Patuloy na nilalapatan ng lunas ang biktimang si Nelson Calibayan habang pinaghahanap naman ng mga pulis ang magkapatid na kinilalang sina Jonel at Jonald Ilama, parehong nasa hustong gulang at residente ng Igpaho, Tubungan, Iloilo City.

Batay sa report ng Tubungan Municipal Police Station, naganap ang krimen bandang alas-siyete nang umaga habang kinukumpuni ng biktima ang kanyang chainsaw nang lapitan ng magkapatid na Ilama.

Naiingayan umano ang mga kapitbahay sa ginagawa ng biktima pero hindi pa rin ito tumitigil kaya nairita na ang magkapatid at kumuha ng patalim para takutin lang sana si Calibayan pero dahil sa init ng ulo ay nasaksak na ito.

Umeskapo ang magkapatid matapos ang insidente.