Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapitbahay tinaga sa ulo ng senior

0 75

HIMAS rehas ang isang senior citizen nang tagain sa ulo ang kanyang kapitbahay dahil sa awayan sa bakod sa kanilang daanan sa Dasmarinas City, Cavite Sabado ng gabi.

Ginagamot ngayon sa St. Paul Hospital ang biktimang si Melchor Mondoy, 59, dahil sa tama ng jungle bolo sa ulo habang naaresto naman ang suspek na si Mansueto Pineda Sr., 63, residente ng Sitio Silangan, Brgy Salawag, Dasmarinas City, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Aaron John Golo, ng Dasmarinas City Police Station, bago ang pamamaril, umaga pa lamang ay nagtalo na ang biktima at suspek hinggil sa bakod na nakakaharang umano sa kanilang daanan.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Bahagya umanong humupa ang kanilang pagtatalo pero pagsapit ng alas-6:00 ng gabi, binalikan ng suspek ang biktima at binaril ito gamit ang sumpak subalit nakaiwas hanggang sa kumuha ng jungle bolo ang suspek at tinaga ang biktima sa ulo.

Nahaharap sa kasong Frustrated Murder thru Shooting at paglabag sa RA 10591 ang suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.