Abante Tonite Interactive

Kaplastikan ni Cayetano lutang sa HNP victory party

759

Mukhang nakahandang gawin ni Taguig-Pateros Congressman-elect Alan Cayetano kahit pa ang makipagplastikan sa kanyang mga karibal at nakaaway sa politika, makuha lamang ang basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang Speakership bid.

Nitong Lunes, dumalo si Cayetano sa victory party ng Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa Makati City na dinaluhan hindi lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte kundi m­aging ang kanyang mga pangunahing karibal sa pinag-aagawang liderato ng Kamara na sina reelected Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at Leyte Congressman-elect Ferdinand Martin Romualdez.

Dumalo din sa nasabing pagtitipon ang minsan nang nakaaway ni Cayetano na si dating Pangulo at ngayo’y outgoing House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Abante Hiring – IT dep

Sa mga larawang inilabas ng Malacañang, makikita ang pakikisalamuha ni Ca-yetano hindi lamang sa kanyang mga karibal kundi maging sa kanyang ninang sa kasal na si Arroyo na inakusahan niya dati ng pagkakaroon ng tagong nakaw na yaman sa pamamagitan ng kabiyak nitong si dating First Gentleman Jose Miguel ‘Mike’ Arroyo. (JC Cahinhinan)