Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kapuso ‘binaril’ proposal ni Matteo

0 154

NI: BETH GELENA

How true na ‘binaril’ umano ang pinitch na programa ni Matteo Guidicelli sa GMA-7?

Ang laki umano ng budget na hinihingi ni Matteo.

Shocked ang mga taga-Kapuso network kaya hindi na raw ito ipinarating sa top management.

SM food to go Banner Ad

Maganda naman daw ang nilatag na konsepto ng actor-singer ‘yun nga lang daw hindi kakayanin ng budget.

May nagtsika naman sa amin na baka raw kasama sa nasabing package ang talent fee ng misis ni Matteo na si Sarah Geronimo.

Ang isa pang sitsit na nakarating sa amin, sisibakin na umano ang Mars show nina Camille Prats at Iya Villania.

Isang variety show daw ang ipapalit sa programa na ang mga host ay sina Pokwang at Rabiya Mateo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.