Abante Tonite Interactive

Kapuso, feel kung gaano siya kamahal ni Kris

By
12

MATUNOG na pinag-uusapan kahapon ang pagpirma raw ni Kris Aquino sa APT Entertainment kamakalawa.

Totoo bang nagtatampo si Kuya Boy Abunda kay Kris dahil hindi man lang siya kinunsulta nang pumirma ito sa APT?

Nagulat na lang daw si Kuya Boy nang nalaman niya na hindi man lang ipinaalam sa kanya ni Kris.

Ang sabi pa ng aming source, hindi raw pipigilan ni Kuya Boy si Kris.

Pero sana, sinabi man lang daw sana sa kanya para maplantsa nila nang maayos kung ano ang tatakbuhin ng career niya sa pagpirma nito sa APT.

Sinusubukan naming tawagan si Kuya Boy pero hindi niya sinasagot ang mga tawag namin.

Sa aming pagkaka­kilala sa dalawa, parang ayaw namin maniwalang nagkaroon ng tampuhan.

Imposibleng ­hindi ipaalam ni Kris kay Kuya Boy ang malaking ­desisyong iyun.

Pero ang pagkaka­alam namin, ang mga endorsement lang ni Kris ang pinapakialaman ni Kuya Boy.

Pagdating sa kanyang showbiz career, si Deo Endrinal ang nagha-­handle, kaya wala si­gurong kinalaman diyan ang King of Talk.

Pero dahil sa closeness nilang dalawa, malamang na na-open ‘yan ni Kris kay Kuya Boy.

Wala kaming nakuhang detalye tungkol sa pirmahan. Hindi alam ng aming source kung program o managerial contract ang pinirmahan ng Queen of All Media.

May ilang ­followers si Kris sa Instagram account niya na nagtatanong kung totoong pumirma na ito ng mana­gerial contract sa APT.

May ilang namba-bash na dahil kinukuwestiyon na nila ang lo­yalty nito.

Kung totoo ito, ang ganda naman ng timing­ ni Kris. Umapir muna ito sa grand opening ng Ka ­Tunying’s Café ng mag-asawang Anthony at Rossel Taberna at saka pumirma sa APT. Tuluy-tuloy siyang pinag-uusapan.

May ilan ­kaming nariri­nig na mga reaksyon sa isyung ito.

Isang Kapuso ar­tist ang gulat na gulat na nag-­react sa napipintong ­paglipat ni Kris sa GMA 7.

Kung magkakaroon nga ito ng programa sa APT, siyempre, sa GMA 7 ito eere.

Kaya isang Kapuso artist daw ang nagbitaw ng dialogue na feel niya kung gaano siya kamahal ni Kris dahil sinundan pa siya sa GMA 7.

Kung ganu’n ang mangyari, masaya ito!

Aba­ngan na lang natin!