Abante Tonite Interactive

Karagdagang trapiko

By
642

Walang nakikitang roadblock o magiging problema ang bagong transport network company na Owto sa pagpasok nito sa bagong uri ng pamamasada.

Katunayan, ayon kay chief operating officer at vice president ng Owto na si Paolo Libertad, ang nakikita nilang magi­ging problema ay ang paglago o pagdami bigla ng kanilang mga subscriber/driver.

Sa pormal na paglu­lunsad kahapon sa Eton Centris ng Owto, sinabi ni Libertad na sa kasalukuyan ay mayroon na silang ‘sampung libong (10,000) applications being processed.’

Abante Hiring – IT dep

Dalawang taon ang binigay na prankisa ng LTFRB sa Owto at apat pang ibang mga TNC.

Kapag nga naman pinakawalan na ang 10,000 na ‘yan ng Owto, nangangahulugan nito ay karagdagang kompetensiya sa kasalukuyang merkadong kontrolado ng Grab-Uber.

Idagdag mo pa riyan ang Hype, Micab at dalawa pang iba, na ipagpalagay na lamang natin ay may dalang tig-10,000 din, nangangahulugan ito na may inaasahan tayong karagdagang P50,000 na mga kotseng pampasada sa ating mga lansangan.

Kamakailan lamang, naramdaman na natin ang pagsisikip sa ating mga lansangan sa pagpasok ng Uber at Grab na tinatayang 40,000 na mga behikulo ang pinakawalan sa daan.

Halos hindi na gumalaw ang trapiko sa Metro Manila ano pa kaya kung dagdag pa ‘yan ng 50,000?

Umusad pa kaya ang trapiko sa Metro Manila?

Ito ang downside ng maraming player habang ang upside naman nito ay ang pagtapyas ng pamasahe sa mga ito.

Ang Micab ay nagpahayag na ang singil nito ay halos 20 porsiyento na mas mababa kumpara sa Grab, na pinigilan naman ng LTFRB na magdagdag ng P2 kada minuto sa travel delay.

Sadyang may negatibo at positibo sa lahat ng bagay. May itim, may puti. May araw, may gabi.

Harinawa, hindi tumigil ang gobyerno sa pag-iisip ng ikaluluwag ng trapiko sa Metro Manila at mga karatig lugar.

Sa pagwawakas, heto pa ang ipinahiwatig ni Li­bertad: Our goal is simple. (We are here not just here) to launch a service but (to contribute) a solution.