Abante Tonite Interactive

Karahasan, poot tapatan ng pagmamahal — VP Leni

By
7

Sa halip na sabayan ay tapatan na lang ng pagmamahal ang karahasan at poot na umiiral ngayon sa lipunan.

Ito ang mensahe ni Vice President Leni Robredo sa mga graduate sa University of Cordillera noong Huwebes, Agosto 31 kung saan siya ang tumayong speaker sa 71st Commencement Exercises ng nasabing unibersidad.

“I do not look down on that anger; I, too, believe that more attention could have been given to the last, the least, and the lost. But the question is: Are we willing to give up our principles because of this? Are we really ready to throw out our freedoms and our rights for change that goes against old-fashioned va­lues of empathy and collaboration?” ani Robredo.

“My dear graduates, the only way to stop this emerging culture of violence and impunity is to counter it with a culture of empathy,” dagdag nito.

Mas lalong magkakagulo lamang umano ang bansa kung ang mga karahasan ngayon ay tatapatan din ng karahasan at ang poot dahil sa mga ganitong pangyayari ay tatapatan din ng poot.

Dahil dito, hiniling ni Robredo ng tapatan na lamang ng pagmamahal, pang-unawa ang umiiral na karahasan at galit na ipapa­kalat ng mga taong ayaw ng pagkakaisa.