Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karahasan sa Mindanao humupa

0 54

Natapyasan ang naitalang karahasan sa Mindanao kumpara noong nakaraang eleksyon, ayon sa isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

Sa isang press conference sa Camp Crame, Quezon City, sinabi ni PNP Directorate for Operations Director, Maj. Gen. Valeriano de Leon na bina-validate nila ang mga ulat ng karahasan na may kaugnayan sa botohan.

Sinabi naman ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na tinulungan ng PNP ang Comelec sa pamamagitan ng pag-escort ng mga tauhan at service provider nito upang maghatid ng mga pamalit na vote-counting machine habang ang police visibility ay tiniyak sa mga botante.

Sa pangkalahatan, sinabi niya na ang mga botohan ay maituturing na mapayapa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.