Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Karakas ni Paras kinapos

0 204

BITIN na naman ang effort ni Kobe Lorenzo Paras na 15 points nang umukod ang Niigata Albirex BB kontra Chiba Jets, 88-83, sa pagpapatuloy ng Japan’s 6th B.League 2021-22 regular round sa Funabashi City, Chiba Prefecture Linggo.

‘Di sapat ang pinakitang gilas ni Paras pati na may sahog pang 3 rebounds at 4 assists upang maiangat sana ang kampo niya na nalasap ang pang-11 olats para gumulong sa 2-11 slate, samantalang sampa ang Jets sa 9-4 para saluhan sa tersero ang Alvark Tokyo.

Kasama ng Pinoy import sa opensiba ng team si Rosco Allen na nagsalpak ng game-high 26 markers, 9 boards at 6 feeds.

Nangunana naman sa Chiba sina Yuki Togahashi at Shuta Hara na may pinagsamang 31 points.

Pinabagsak din ng Chiba ang Niigata nitong Sabado lang via 88-62 decision.

Taob din si Kiefer Isaac Ravena at Shiga Lakers Stars (6-7) sa Shishu Brave Warriors (8-5) 90-80. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.